Maligaya ang Pasko ni otoko
Dec 23, 2024
Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Dec 23, 2024
Suspek na tulak dumayo, tiklo sa P1M na shabu
Dec 23, 2024
Calendar
Nation
Romualdez: 2024 budget, gagamitin sa tama
Peoples Taliba Editor
Aug 20, 2023
192
Views
GAGASTUSIN ng pamahalaan sa tama at ilalaan sa mga nararapat na proyekto at serbisyong inaasahan ng mga mamamayan ang P5.768 trilyon na 2024 National Budget.
Ito ang tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sinabing, “our 2024 budget ay galing sa pawis ng mga tao kaya dapat lang na gamitin ito sa tama.”
“Ito ang ginagawa natin ngayon dito sa mga budget hearing sa Kongreso to make sure walang masayang sa buwis na binayad ng mga tao kaya we have to scrutinize every peso and every centavo na hinihingi ng ating mga ahensya,” ayon pa kay Romualdez, sa isang panayam.
Samantala, sinabi naman ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizady Co na ang Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking share na isinumite ng Malacañang sa 2024 budget na nasa P924.7 bilyon.
“Nakasaad kasi sa ating Saligang Batas na ang DepEd lagi ang dapat bigyan ng malaking halaga ng national budget,” paliwanag ni Cong. Co.
Sumunod na makakakuha ng malaking budget allocation ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa P822.2 bilyon.
Ang Department of Health (DOH) ay nasa pangatlong ahensya na makakakuha ng malaking piraso ng 2024 national budget na sinundan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND) at iba pa.
“What we want is to give our people their money’s worth through quality education of their children at maraming mga imprastraktura para makapaglikha ng mga trabaho at mas madaling ibaba ang mga produkto sa merkado,” dagdag pa ni Speaker.
Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Dec 23, 2024