Rodriguez

Rufus binanatan ang MBC, Finez sa pagtalikod sa constitutional reform

Mar Rodriguez Mar 26, 2023
247 Views

INAKUSAHAN ng chairperson ng House committee on constitutional amendments ang dalawang grupo ng mga negosyante nang pagbaliktad sa kanilang pagsuporta sa panukala na lumawagan ang economic provisions ng Konstitusyon upang mas maraming dayuhang mamumuhunan ang pumasok sa bansa.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Makati Business Club (MBC) at Financial Executives Institute of the Philippines (Finex) ay dating sumusuporta pabor sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

“MBC and Finex are now against Charter amendments. Before this position, they were in favor of changing the Constitution’s economic provisions,” sabi ni Rodriguez.

Noong Biyernes, naglabas ng pinag-isang pahayag ang MBC, Finex, Filipina CEO Circle, Judicial Reform Initiative, Philippine Women’s Economic Network, at Women Business Council laban sa panukala ng Kamara de Representantes na baguhin ang Konstitusyon.

Tinukoy ng grupo ang malaking gagastusin sa pag-amyenda sa constitutional convention, ang kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang makaakit ng mga mamumuhunan, at ang mga batas na naipasa para paluwagin ang economic restriction sa bansa.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na bagamat maganda ang kampanya ni Pangulong Marcos at ang mga batas na naipasa ng Kongreso hindi pa rin umano nito mababago ang limitasyon na nakasaad sa Konstitusyon.

“These laws cannot amend the Charter. As for the cost involved, we are trying to keep them to the minimum,” sabi ni Rodriguez.

Ayon kay Rodriguez nagpadala ang MBC at Finex ng position paper sa kanyang komite at sinusuportahan ng mga ito ng panukalang pagbabago sa Saligang Batas.

Sa position paper noong Setyembre 11, 2019, iginiit ng MBC ang kanilang “long-running support” sa pag-alis sa investment restriction na nasa Konstitusyon.

“Among other means, we support adding the words ‘unless otherwise provided by law,’ following the constitutional provisions that set the limits on various sectors. In a competitive global economy, we believe in lower barriers to trade and investment in general. In a dynamic global economy, we believe any barriers should be subject to modification by the President and Congress, better than being fixed in the Constitution,” sabi ng MBC sa kanilang sulat.

Ayon pa sa MBC ang pagbabago ng Konstitusyon ay mangangahulugan ng pagpasok ng mga bagong mamumuhunan at makabagong teknolohiya na magpapalakas sa kompetisyon sa presyo at kalidad ng produkto na makabubuti sa mga konsumer na Pilipino.

Sa sulat na ipinadala naman ng Finex sa komite ni Rodriguez noong Pebrero 17 sinabi nito na makatutulong ang pagpapaluwag sa limitasyong nakasaad sa Konstitusyon upang pumasok ang mga pamumuhunan sa bansa.

“We note that in almost all countries in the world, restrictions on foreign investments are not contained in their Constitutions. Instead, restrictions on foreign trade and investments are done through legislation or administrative orders that can be changed to suit shifting national priorities,” sabi ng Finex.

Sumuporta rin umano ang Finex sa pagpapatawag ng constitutional convention na siyang gagawa ang mga panukalang pagbabago.

Sinabi ni Rodriguez na mayroon ding sulat na may petsang Enero 22, 2021 ang ilang business organization kasama ang MBC, Finex, Filipina CEO Circle, Management Association of the Philippine, Philippine Chamber of Commerce and Industry, at Judicial Reform Initiative, o mahigit isang taon bago ang May 2022 elections.

Ayon sa naturang pahayag, kanilang sinusuportahan ang pagbabago sa Konstitusyon at nangako na gagawa ng mga hakbang kaugnay nito sa loob ng 12 buwan ng kanilang termino.

“So we in the House and some supporters in the Senate are on the right tract. We are following the recommendations of these big business groups, including their suggested timeline,” giit ni Rodriguez.