Jehovah Source: JW. Org

Saksi ni Jehova may asemblea Peb. 15 sa QC

Jun I Legaspi Feb 12, 2025
47 Views

ISANG asamblea ng mga Saksi ni Jehova ng Cavite Circuit No.2 ang gaganapin sa Pebrero 15, 2025 Sabado, sa Metro Manila Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses sa Brgy. Kaligayahan, Fairview, Quezon City.

Ang tema ng asamblea ay: ‘Kumilos Nang Nararapat Para sa Mabuting Balita’ batay sa Filipos 1:27.

Ito ay magpapasimula sa pamamagitan ng musika ng alas 9:40 ng umaga at matatapos ng alas 4:00 ng hapon.

Sa umaga, ang sesyon ay pasisimulan ng isang paksa na may temang: Paano Ka Binabago ng Mabuting Balita?

Susundan naman ito ng unang simposyum na may paksang:

“Nagpaimpluwensiya Sila sa Mabuting Balita”1) Esteban 2) Felipe 3) Aquila at Priscila 4) Tito na magagandang halimbawa para sa ating kapanahunan. Ang pahayag na: Patuloy na Magpakita ng “mga Gawa ng Makadiyos na Debosyon” ay tunay na maglalaan sa atin ng gabay sa buhay. Matatapos ang umagang sesyon sa programa ng bautismo.

Ang panghapong sesyon, ay meroong Pahayag na may temang: ’Sigurado Ka Bang Totoo ang mga Pinapaniwalaan Mo?’. Ikalawang simposyum naman aytemang: “Inirerekomenda Namin ang Sarili Namin Bilang mga Lingkod ng Diyos, Dahil sa . . . ” 1) Pagtitiis 2)Kabaitan 3) Katapatan.

Inaasahang dadaluhan ito ng mga 3,000 delegadomula sa Bacoor at Imus.

Ang publiko ay iniimbitahan sa walang bayad naasambleyang ito.