Saksi ni Jehova may pagtitipon sa Oct. 20

Jun I Legaspi Oct 14, 2024
34 Views

IMBITADO ang lahat sa pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova ng Cavite Circuit No. 2 sa Oktubre 20, 2024 Linggo, na gaganapin sa Metro Manila Assembly Hall of Jehovah’s Witness sa Brgy. Kaligayahan, Fairview, Quezon City.

Ang tema ng asamblea ay: “Hindi Natin Ikinahihiya ang Mabuting Balita”. Magpapasimula ang session sa pamamagitan ng musika sa ganap na 9:40 ng umaga at magtatapos ng 3:55 ng hapon.

Ang umagang sesyon ay pasisimulan ng paksa na may temang: “ Hindi Natin “Ikinahihiya ang Mabuting Balita”—Bakit?”.

Susundan naman ito ng pahayag na may paksang: “Manindigan Para sa Mabuting Balita ”. Itatampok din ang pahayag na: “Maging “Manggagawa na Walang Ikinahihiya”.

Matatapos ang umagang session sa ” Pag-aalay at Bautismo” na karaniwang bahagi ng mga asambleya sa buong mundo.

Sa panghapong sesyon na mag uumpisa ng 1:20pm, isang simposiyum ang itatanghal na may temang: Hindi Natin Ikinahihiya . . .

1. Ang Pamantayan ng Diyos sa Moral

2. Ang Kaharian ng Diyos

3.Ang mga Kinatawan ng Diyos.

Ang asambleyang ito ng Cavite Circuit No.2 ay binubuo ng mga lunsod ng Bacoor at Imus na mayroong di kukulangin na 2,500 ang bilang.

Walang bayad at walang koleksiyon ang pagdalo sa Asambleyang ito.