MPBL San Juan-Bicol game sa MPBL.

San Juan patuloy ang pag-ariba

Robert Andaya May 17, 2024
220 Views

ANIM na laro, anim na panalo para sa San Juan Knights.

Nagpakita ng tibay at galing ang Knights upang itala ang nakabibilib na 99-58 panalo laban sa Bicol Oragons at mapanatili ang kanilang perfect record sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Batangas City Coliseum.

Nanguna si Egie Boy Mojica sa kanyang 16 points at nagdagdag si Michael Calisaan ng 15 points para sa Knights, na lumamang pa ng 46 puntos, 78-32, bago tuluyang ibaon ang Oragons sa kanilang ika-walong sunod na pagkabigo.

Bukod kina Mojica at Calisaan, nagpakitang gilas din para sa Knights ni Sen. Jinggoy Estrada sina John Galinato, na may 13 points; Arvin Gamboa, na may 11 points; at Michael Malonzo, na may double double na 10 points at 10 rebounds.

Tanging dalawa sa 14 players na pinaglaro ni Sen. Estrada ang hindi naka-iskor sa one-sided na sagupaan sa 29-team tournament na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao sa tulong ni Commissioner Kennenth Duremdes.

Nanguna sina dating UST star Marvin Lee at Charles Burgos para sa Bicol sa kanilang 14 at 10 points.

The scores:

San Juan (99)— Mojica 16, Calisaan 15, Galinato 13, Gamboa 11, Malonzo 10, Wamar 8, Panganiban 7, Hernandez 6, Hugnatan 5, Miranda 3, Huang 3, Maiquez 2, Ando 0, Taywan 0, Ubalde 0.
Bicol (58) – Lee 14, Burgos 10, Javier 9, Deles 6, Yu 5, Alanes 5, Lao 4, Alfonoso 2, Casajeros 2, Macaballug 1, Velvez 0, Santos 0, Llarena 0, Reyes 0, Manzanilla 0.
Quarterscores: – 28-10, 46-21, 78-32, 99-58.