Sara Vice President Sara Duterte

SANA OK KA LANG

Chona Yu Oct 22, 2024
39 Views

Rep. Marcos kay VP Sara:

UMALMA si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos sa naging mga pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kay dating Pangulong Marcos Sr.

Ayon kay Rep. Marcos, wala na sa lugar at wala na sa katuwiran ang ipinakitang asal ng Bise Presidente sa press conference nito noong Biyernes.

“Going ballistic was perhaps the self therapy she prescribed for herself. But she crossed the line, leaving the civic and civil space in which disagreements can be rationally argued,” ani Rep. Marcos.

“Let this be an opportune time to remind ourselves that we mustn’t take our mental health for granted and that above all else I sincerely hope she is okay,” saad pa nito.

Sa kabila nito, sinabi ng batang Marcos na hangad pa rin niya ang tagumpay ng Pangalawang Pangulo sa kabila ng matitinding salitang binitiwan nito laban sa kanyang ama at lolo.

“As such, I still wish the Vice President well. Ultimately, her success, like the President’s, will be the success of our nation as a whole. May she find the peace of mind and mental clarity that seems to be eluding her,” ayon kay Rep. Marcos.

Sinabi ni Rep. Marcos na nanahimik siya tungkol sa mga pahayag ng Pangalawang Pangulo bilang paggalang sa kanya dahil sa mandato na ibinigay sa kanya at sa mga responsibilidad na taglay ng kanyang posisyon.

“However, as a son, I cannot stay silent while she threatens to exhume a former president and behead an incumbent one. Besides, her bizarre temper tantrum has been condemned by a nation horrified from such displays of insensitivity towards the dead and cruelty to the living,” giit pa ng mambabatas.

“Forget that the objects of her derisions are dear to me, but I would also be remiss in my responsibility as an llocano representative if I didn’t voice out my disdain at the abhorrent comments she so carelessly uttered. I can ascertain that my emotions are shared not only by my kakailian in the north but across the country,” saad pa nito.

Sinabi pa niya na pinagsabihan siya ng kanyang ama na huwag gumawa ng anumang komento sa mga patutsada ni Duterte.

“For his part, the President had not said anything against her that can be remotely construed even as a mild rebuke against her tirades. He even advised me to withhold my disappointment and refrain from making a statement. However, one must draw the line at some point and it’s frankly long overdue,” giit pa nito.

Ang Bise Presidente ay nahaharap sa mga paratang ng hindi wastong pamamahala sa daan-daang milyong pisong confidential at intelligence funds (CIFs) na inilaan para sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), kung saan nagsilbi siyang kalihim sa loob ng dalawang taon hanggang sa kanyang pagbibitiw noong Hulyo ng taong ito.

Sa pagsisiyasat ng mga mambabatas, binibigyang diin ang nakababahalang kawalan ng transparency at pananagutan sa paraan ng paglalaan at paggastos sa pondo ng bayan.

Sa kabila ng nakababahalang akusasyon, paulit-ulit na tumanggi si Duterte na dumalo sa mga pagdinig ng Kamara upang linisin ang kanyang pangalan at harapin ang mga paratang ng maling pamamahala ng pondo ng bayan.

Sa halip na sagutin ang mga isyu tungkol sa mga CIF, inilihis ni Duterte ang atensyon sa pamamagitan ng mga personal na pag-atake laban kay Pangulong Marcos Jr., kabilang ang pagbanggit ng mga hinanakit mula sa halalan noong 2022.

Sa isang press conference, gumawa si Duterte ng nakakagulat na eksena, kung saan sinabi pa nitong naisip nitong pugutan ang Pangulo at nagbantang huhukayin ang mga labi ng yumaong Pangulong Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea.

Ang mga pahayag na ito ay nagpasiklab ng galit mula sa publiko at mga mambabatas, na kinondena ang kanyang mga komento bilang taktika ng paglihis ng atensyon mula sa alegasyon tungkol sa maling paggamit ng pondo ng bayan.