Koko

Sen. Koko naghain ng COC, Teodoro makakalaban

129 Views

NAG-file ng certificate of candidacy si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel bilang kinatawan sa unang distrito ng Marikina sa May 2025 elections.

Makakalaban ng senador mula Cagayan de Oro si outgoing Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.

Tututok ang kampanya ni Pimentel sa mga isyu ng fiscal management, pagpapalakas ng industriya ng sapatos at pagresolba sa problema ng pagbaha.

Inuuna naman ni Teodoro ang pagbabago ng klima, disaster risk reduction at tamang paggamit ng lupa.

Wala pang pahayag si Sen. Pimentel tungkol sa kanyang kandidatura.