Risa

Sen. Risa malaki paniniwala matinding korapsyon ugat ng pagtakas ni Guo

106 Views

MALAKI ang paniniwala ni Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros na matinding corruption ang ugat ng mahiwagang pagtakas nina Alice Guo at ng mga kasama nito kaya hindi man lamang naramdaman ng mga awtoridad.

“Is there corruption that led to the escape of dismissed Bamban Mayor Alice Guo and others,” tanong ng senador.

Sa pagdinig, lumutang ang hinala na ilan sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) maaaring nakipagsabwatan kina Guo at sa kanyang mga kasamahan upang mapadali ang kanilang pagtakas palabas ng bansa.

Ang mga indibidwal na ito konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at kinabibilangan ng ilang miyembro ng pamilya ni Guo at mga kasosyo sa negosyo.

Hindi sumipot sina Guo at Cassandra Li Ong sa pagdinig ng Senate subcommittee na pinamumunuan nina Hontiveros at ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel noong Huwebes sa iba’t-ibang kadahilanan.

Sa simula, inisip ni Hontiveros na isang session lang ang kakailanganin upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagtakas ni Guo.

Gayunpaman, inamin niya na siya’y nagkamali dahil patuloy na lumalabas ang mga bagong tanong kaugnay ng isyung ito.

Isa sa mga pangunahing isyung tinalakay ang pagkakasangkot ni Vincent Allas, isang opisyal na konektado sa kilalang “Pastillas scam,” na kasalukuyang namumuno sa Bureau of Immigration Border Control Intelligence Unit kahit pa nahaharap ito sa mga kasong graft.

Ipinahayag ni Hontiveros ang kanyang mga pangamba sa posisyon ni Allas: “May korapsyon bang naganap sa paglabas ni Alice Guo et al.?

Bakit iyong mga kaso tulad ng issue sa Pastillas Scam na involve itong tao na ito binigyan pa ng napakahalagang posisyon?” tanong niya.

“From Kuala Lumpur to Sabah, dapat din wala nang stamp because it’s the same country. So how can she be in two places at almost the same time?” tanong ni Hontiveros sa naunang pagdinig.

Sa pagdinig noong Huwebes, hindi pa rin nakadalo si Ong, na iniulat na may sakit.

Kinumpirma ng secretary ng komite na si Ong nagpadala ng excuse letter na nagsasaad na naospital ito dahil sa mababang presyon ng dugo, at nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

Si Ong konektado sa Whirlwind Corporation, na nag-arkila ng lupa sa Lucky South 99, isang POGO operator na ni-raid sa Pampanga noong Hunyo.

Isa pang indibidwal na binabantayan si Sual Mayor ng Pangasinan na si Liseldo “Dong” Calugay, na sinasabing may kaugnayan kay Guo. Hindi rin dumalo sa pagdinig dahil sa umanoy sakit na dengue.