Chiz

Senado di kailangan sulat, sorry ni Guo kundi presensia, respeto nito

76 Views

OBEY first, show yourself.”

Ito ang malinaw na tugon ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero ngayong Martes, Hulyo 23, 2024, kung saan ay nilinaw ng pangulo ng Senado na hindi ang sulat at pag so sorry nito ang kailangan ng Senado kundi ang kanyang presensia at respeto sa pagharap sa imbestigasyon ng Senado.

Ito ang tugon niya kay Tarlac, Bamban Mayor Alice Leal Guo, matapos itong sumulat sa tanggapan ni Escudero.

Sa isang panayam kay Escudero, sinabi ng pangulo ng Senado na hindi na matatanggap ang mga pangangatuwiran ni Guo kung bakit minarapat niyang hindi humarap sa pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros.

Ayon kay Escudero, ang paghingi ng paumanhin ay hindi aniya katanggap tanggap kung wala naman itong intensyon na sumunod sa utos ng Senado na magpakita at magpaliwanag sa isinasagawang pagdinig dulot ng napakaraming tinahing storya sa mga testimonya ng mayora.

“Until she shows up and obeys the Senate,” paglilinaw ni Escudero na nasabing hindi niya ito matatanggap.

Sa kanyang pormal na sulat, sinabi ni Guo na humihingi siya ng paumanhin at pang unawa matapos niyang sabihin na diumanoy “fixated” sa kanya ang mga senador at hindi na nakikita ng mga ito ang mga totoong problema sa bansa at sa taumbayan.

Pinaalalahanan ni Escudero si Guo na wala siyang karapatan at wala rin siya sa tamang lugar upang sermonan ang mga senador na nag iimbita sa kanya kaugnay ng kinasasangkutan niyang mga illegal na POGO at mga kriminalidad na nakapaloob dito.

Tahasang pinaringgan ng suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang mga senador na sina Sen. Hontiveros, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Jinggoy Estrada, at maging si Sen. Loren Legarda na siyang gumisa sa kanya sa huling pagdalo niya sa pagdinig.

Pinaalalahanan ni Escudero si Guo na ang patuloy niyang pag isnab sa imbitasyon na ito ng Senado ay magiging dahilan upang magkaroon siya ng pananagutan dahil ito ay kautusan na nakasaad umano sa kapangyarihan mayroon ang senado.

Matatandaan na derechong nagbigay kritisismo si Guo sa mga nasabing senador dahil sa umanoy hindi na nagagawa ng mga ito ang dapat nilang atupagin na mas importante kaysa kay Guo.

“Wala po akong intention na pagsabihan o diktahan ang Senado kung ano ang mga dapat bigyang prayoridad,” ani Guo sa kanyang pormal na sulat.

“Nauunawaan ko po na ang bawat mambabatas ay may sariling tungkulin at responsibilidad sa bayan. Ang aking layunin lamang po ay magbigay ng suhestyon base sa mga problemang nararanasan ng aking mga kababayan sa Bamban,” dagdag pa ng mayora.

Sinabi rin ni Guo na dahil sa diumanoy dinanas niya sa Senado at ang patuloy umanong ginagawa ng mga senador sa kanya ay hindi na siya nakapaglilingkod sa kanya mga kababayan kung saan ay hiningi niya ang tulong at pang unawa ni Escudero na tinanggihan naman siya ng derecho sabay sabing may vice mayor siya na pwedeng pwede na humalili at gawin ang kanyang mga trabaho at ito ay bahagi na ng nakaugalian at ito rin ay ayon sa batas.

Gayunman, sinabi ni Guo na handa siyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman, sa Department of Justice (DOJ), at sa Bureau of Internal Revenue (BIR), gaundin sa Comelec na nagsabing paiimbestigahan nila ang fingerprint na isinumite ni Guo sa kanila sa panahon na ito ay nag file nang kanyang kandidatura.

“Bagaman nauunawaan ko yung pang-unawang hinihingi niya, hanggat hindi siya nagpapakita at sumusunod sa Senado ay hindi ko matatanggap ang anumang pakiusap na hinihiling niya dun sa kanyang liham,” ani Escudero.