Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Khonghun

Sinong nagsisinungaling sa ‘gentleman’s agreement’, si Duterte o China?

115 Views

Target ng imbestigasyon ng Kamara:

ANG magkasalungat umanong pahayag ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at gobyerno ng China kaugnay ng “gentleman’s agreement” sa isyu ng West Philippine Sea ay dapat imbestigahan ng Kamara de Representantes.

Sinabi ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na inaasahang masasagot sa imbestigasyon ang tanong kung sino ang nagsisinungaling sa laman ng gentlemen’s agreement—si Duterte ba o ang China?

“It’s crucial to ascertain the truth if indeed the Duterte administration struck such a deal with China,” ani Khonghun, miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes, na nauna ng nagmungkahi ng pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing “gentleman’s agreement.”

Ang naturang kasunduan na ginawa ng nakaraang administrasyon at hindi kaagad ipinaalam sa kasalukuyang administrasyon ay nagsilbi ng debate sa publiko.

“This isn’t just about conflicting narratives; it’s about upholding integrity and accountability,” giit ni Khonghun.

Ayon kay Khonghun dapat malaman ang lalim ng naging impluwensya ng China sa mga naging polisiya ng Pilipinas lalo na sa WPS noong nakaraang administrasyon.

“We cannot allow uncertainty to cloud our national interests. The Filipino people deserve clarity and honesty from our leaders,” dagdag pa ni Khonghun.

Dapat umanong marinig sa panukalang pagdinig ang testimonya ng mga dating opisyal at diplomatic representative ng bansa na may kaugnayan sa isyu.

“As lawmakers, it is our duty to seek out the truth and hold accountable those responsible for any wrongdoing,” saad pa ni Khonghun.

Nauna rito, isiniwalat ng naging presidential spokesman ni Duterte na si Harry Roque ang “gentleman’s agreement” ng dating Pangulo at ng China na hindi umano sinusunod ng kasalukuyang administrasyon na siyang sanhi ng pagtaas ng tensyon sa WPS.

Ayon kay Roque nagkasundo si Duterte at Chinese President Xi Jingpin na magkaroon ng “status quo” sa Ayungin Shoal, kung nasaan ang nakasadsad ang BRP Sierra Madre at ginawang istasyon ng mga sundalo.

Kasama umano sa kasunduan ang hindi pagdadala ng mga construction at iba pang gamit na pangkumpuni sa barko. Ang maaari lamang dalhin sa mga sundalo ay pagkain at tubig.

Sinabi naman ni dating Sen. Franklin Drilon na mayroong nabanggit si Sen. Francis Tolentino na kasunduan sa isang privilege speech noong Hulyo 2019.

Sa pagkaka-intindi umano nito sa talumpati ay “valid” ang pinasok na kasunduan. Nais umano ni Tolentino na magkaroon ng batas kaugnay nito.

Noong Hunyo 2019, mayroong nabanggit si Duterte kaugnay ng verbal fishing agreement kay Xi sa kanilang bilateral meeting noong Oktubre 2016.

Sinabi ng Malacañang na ang kasunduan ay naglalayong iwasan na magkaroon ng komprontasyon sa WPS.

Sa isang press conference kamakailan, sinabi naman ni Tolentino na ang oral treaty at hindi ikinokonsiderang valid sa ilalim ng Vienna Convention on the Law of Treaties kaya kuwestyunable umano ang pagsunod dito.

Ang isiniwalat ni Duterte noong 2016 ay umami ng kritisismo at nagkaroon ng panawagan sa kanyang impeachment dahil pinayagan umano ang mga Chinese na mangisda sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon sa noon ay presidential spokesperson Salvador Panelo layunin ng kasunduan na makapangisda muli ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal na kinuha ng China noong 2012.

Kamakailan sinabi ni Duterte na wala itong “gentleman’s agreement” kay XI at ang napagkasunduan umano ay status quo.

Iginiit naman ng China na mayroong itong kasunduang pinasok kay Duterte.

Sa isang press conference, sinabi ni Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na ang Pilipinas ang nanghihimasok sa teritoryo ng China at partikular na tinukoy ang Ayungin Shoal na tinatawag ng China na Ren’ai Jiao.

Sinabi ni Mao na hindi sumunod ang Pilipinas sa napag-usapan na aalisin sa lugar ang BRP Sierra Madre.

“The Philippines denies the existence of any gentleman’s agreement reached with China under the Duterte administration and has repeatedly encroached on China’s sovereignty in those waters and instigated provocations,” sabi ni Mao.

Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ay “horrified” sa napabalitang “gentleman’s agreement” na pinasok ng kanyang pinalitan.

“If that agreement says we need to seek permission from another country to be able to do something within our own territory, it would probably be difficult to honor that agreement,” ani Pangulong Marcos.

“I am horrified by the idea that we have compromised through a secret agreement the territory, the sovereignty and the sovereign rights of the Philippines,” sabi pa nito.

Sinabi ni Pangulong Marcos na walang dokumento kaugnay nito at wala silang sinabi sa kanila ang nakaraang administrasyon nang sila ay pumasok.