SM Pinangunahan nina SM Foundation SMFI Education Programs SAVP Eleanor Lansang, Corporate Affairs and Sustainability SAVP Victor Chan, at ilang miyembro ng SM Foundation ang pagtanggap ng dalawang Silver Anvil Awards sa Gabi ng Parangal ng 60th Anvil Awards.

SM Foundation nakamit 2 silver awards sa 60th Anvil Awards

12 Views
SM1
Pinarangalan ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) ang SM Foundation ng dalawang Anvil Awards bilang pagkilala sa kanilang paggamit ng pinakamahuhusay na PR campaigns at tools.

NAKAMIT ng SM Foundation, ang social good arm ng SM Group, ang dalawang Silver Anvil Awards sa ginanap na Gabi ng Parangal ng 60th Anvil Awards.

Isang Silver Anvil ang nakuha ng SM Foundation sa kategoryang PR Tools-Publication para sa “WeCare: The SM Foundation Newsletter,” isang quarterly publication na naglalaman ng mga social good stories ng foundation sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at disaster relief.

Ang ikalawang Silver Anvil naman ay ibinigay para sa “SM Foundation: Uplifting Lives Through Social Good,” na nanalo sa kategoryang Public Relations Programs – Non-Profit.

Ang nasabing awards, na itinuturing na “Oscars of Public Relations,” ay kumikilala sa mga pinakamahuhusay na PR campaign at tools na isinagawa ng iba’t ibang respetadong kumpanya, ahensya, at organisasyon. Binibigyang-diin ng taunang parangal ang kahusayan sa industriya ng public relations.

Samantala, ibinabahagi ng SM Foundation ang mga parangal na ito sa kanilang mga katuwang at stakeholder na patuloy na sumusuporta sa kanilang misyon ng pagpapabuti ng buhay ng mga komunidad sa Pilipinas.