Sofronio

Sofronio pinagmamalaki na produkto siya ng It’s Showtime

Vinia Vivar Dec 14, 2024
84 Views
Ipinagmamalaki ni Sofronio Vasquez na produkto siya ng “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” dahil dito siya nahasa nang husto sa pag-awit.
Si Sofronio ang tinanghal na grand champion ng 26th edition ng “The Voice USA” at siya ang first-ever Asian winner ng nasabing sikat na American TV singing competition.
Nitong Huwebes ay nakausap ng “It’s Showtime” hosts si Sofronio via video call live from Los Angeles, California at dito ay proud niyang sinabi na ang naturang noontime show ang unang naniwala sa kanya.
“Napaka-emotional po ng naging panalo ko kagabi. Actually, ngayon po nanginginig po ako habang sini-share sa inyo, kasi parang pangarap ko lang po dati. At proud po ako na nagsimula ako sa ‘Tawag ng Tanghalan’ kasi ‘Tawag ng Tanghalan, Showtime’ ang unang naniwala sa akin,” saad ni Sofronio.
Sa mga hindi nakakaalam, naging contestant si Sofronio ng TNT in 2017 (7th placer) and 2019 (3rd placer).
Briefly ay ikinuwento rin ni Sofronio ang naging journey niya sa The Voice USA.
“Nagsimula po ako sa blind audition trying na just to represent myself and of course, sinubukan ko lang pong i-represent lang ‘yung Utaca, New York, pero mapalad po ako dahil ‘yung mga producers ng mismong show, sila mismo ‘yung nag-suggest na, ‘maganda kung siguro i-represent mo ‘yung Philippines kasi hindi pa sila talaga nagkaroon ng Filipino-blooded and full-born and raised,” pagbabahagi ng singer.
Si Michael Buble ang naging coach ni Sofronio at naitsika nga niyang malapit pala sa puso sa nasabing Canadian singer ang Pilipinas.
“Masaya po ako na, along the way, talagang sincere at totoong pagmamahal ‘yung galing kay Michael Bublé para sa Pilipinas. At shinare po niya na meron po siyang deep connection sa Pilipinas kasi kumpare daw po niya si Martin Nievera. Meron daw po siyang naka-date na kilala nating lahat na dyosa sa atin,” tsika ni Sofronio.
Hindi pa niya alam kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas pero nangako siya na pagbalik niya ay ang ‘It’s Showtime” ang unang show na kanyang bibisitahin.