50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
Workaholic girlalu at chopopong hubby jiwalay na?
Aug 22, 2026
Calendar
Showbiz
KathNiel may balikan?
Vinia Vivar
Dec 14, 2024
1078
Views
MAY balikan nga bang magaganap sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
Ito ang tanong ng marami matapos ibalita ni Ogie Diaz na nagkita at nagkausap ang KathNiel sa ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum last Tuesday.
Sa latest vlog ni Ogie ay sinabi niyang may nagparating sa kanya ng kaganapan sa nasabing event dahil wala siya doon.
’Eto na nga, according to my source – pwedeng linawin ito ni Kathryn or ni DJ, ng mga nakakita o mga kasama nila. ‘Yun nga ang tsika sa akin, nagkita ang dalawa, si Kathryn at si Daniel,” sey ni Ogie.
“Nagkita sila sa backstage, dressing room,” patuloy niya.
Kwento pa niya, kumatok umano si Daniel sa dressing room ni Kathryn at may dalang flowers para sa dalaga.
“Hindi ba may sariling dressing room si Kathryn? Eh, bigla raw may dalang flowers si DJ, kumatok sa dressing room, pinapasok, naglabasan ang glam team ni Kathryn at hinayaan ang dalawa na makapag-usap. ‘Yun lang naman ‘yung nakarating sa akin,” tsika ni Ogie.
Matagal-tagal din daw nag-usap ang dalawa at wala umano sa kwarto ang ina ni Kathryn na si Mommy Min.
“Ang tsika pa nga, eh, may nagtimbre kay Daniel na samantalahin ang chance na puntahan si Kathryn habang hindi pa daw dumarating si Mommy Min,” sabi pa ni Ogie.
If ever nga na totoong nagkausap ang KathNiel ay magandang senyales daw ito at hindi man magkabalikan ay maibalik man lang sana ang friendship dahil 11 long years din naman ang kanilang relasyon.
Well, for sure ay ikinatuwa ng KathNiel fans ang balitang ito. Sey nga ni Mama Loi, magandang Pamasko ito para sa kanila.
Pero ano naman kaya ang reaksyon ng fans nina Kathryn and Alden Richards (KathDen) sa tsikang ito? How true rin ang sitsit na may nagtapon ng bulaklak sa basurahan?
Miss Earth Indonesia 2025 pumanaw sa edad 25
Aug 16, 2026
Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Aug 15, 2026
Heart binayaran P2M utang ng kaibigan
Aug 15, 2026
Shaira at EA palitan ng sweet anniversary greeting
Aug 15, 2026

