Calendar

Solo Parents’ Day ipinagdiwang sa Batangas City
DUMALO ang 220 solo parents sa Batangas City sa Solo Parents’ Day celebration na itinaguyod ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO) noong Abril 11.
May temang “Solo Parent na Rehistrado sa Gobyerno Tiyak na Protektado,” layunin ng pagdiriwang na pahalagahan ang mga solo parent na nag-iisang bumabalikat sa pagtataguyod ng kanilang mga anak.
Ayon kay CSWD Officer Hiyasmin Candava, hangad nila na mapangalagaan hindi lamang ang physical health kungdi ang mental health ng mga solo parents sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ibat-ibang social services.
Sinabi ni Monica Perez ang mahahalagang impormasyon hinggil sa Expanded Solo Parents Welfare Act (RA 11861).
Tinalakay niya ang mga karagdagang benepisyo ng mga solo parent tulad ng leave credits, diskwento sa mga pangunahing bilihin, libreng edukasyon para sa kanilang mga anak at iba pa.
Pinalawig din ng batas na ito ang definition ng “solo parent”, kung saan kasama na rito ang asawa, sinumang kamag-anak o legal guardian ng anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nasa low o semi-skilled worker category.
Kasama rin dito ang mga lolo at lola, sinumang miyembro ng pamilya o legal guardian na tanging nangangalaga sa bata.
Nagbahagi ang mga kinatawan ng SSS, Philhealth, PAG-IBIG, GSIS, CLB at BATMC ng mga serbisyong maaaring i-avail ng solo parents sa kanilang mga tanggapan.
Dumalo din sa okasyon si Mayor Beverley Dimacuha.