Martin2

Speaker Martin Romualdez pinapurihan si Sec. Benhur Abalos, PNP dahil sa pagkakadakip sa suspek na pumatay kay Percy Lapid

Mar Rodriguez Oct 18, 2022
167 Views

Abalos

PINAPURIHAN ni House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos at ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkakadakip sa suspek na pumaslang sa radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ikinagagalak ng liderato ng Kamara de Representantes ang pinakabagong development patungkol sa pagkakadakip ng mga kagawad ng PNP sa pangunahing suspek o gunman na pumatay sa nasabing radio commentator.

Ayon kay Romualdez, umaasa siya na ang pagkakahuli sa nasabing salarin ay magiging daan din para madakip ang iba pang kakutsaba o kasapakat nito sa naganap na pamamaslang kay Lapid kabilang na ang mismong mastermind sa nangyaring krimen.

“We in the House of Representatives welcomes this positive development in the unfortunate crime that took the life of Percy Lapid. We applaud the efforts of Sec. Abalos and the police to swiftly resolve the case,” sabi ni Speaker Romualdez.

Binigyang diin pa ng House Speaker na ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga kagawag ng media o ang tinatawag na “Fourth Estate” ang pinakamahalaga sapagkat mahalaga din aniya ang ginagampanan ng mga mamamagayag para sa isang “nation-building”.