MWSS

Maynilad pinagpapaliwanag sa kawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar

182 Views

PINAGPAPALIWANAG ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ang Maynilad Water Services Inc. sa kawalan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng west zone.

Nagpadala na ang MWSS-RO ng notice to explain (NTE) sa Maynilad, ang may hawak ng prangkisa para sa west-zone.

Inanunsyo ng Maynilad ang pagka-antala ng serbisyo nito sa mga kustomer na nasa Metro Manila, Cavite, at Bulacan mula Oktubre 17 hanggang 25 dahil sa kakulangan ng suplay.