Martin3

Speaker Romualdez: Interes ng WEF participants sa MIF hudyat na dapat itong agad na isabatas

126 Views

NAGPAKITA umano ng interes ang mga lumahok sa World Economic Forum (WEF) sa itinutulak na Maharlika Investment Fund (MIF) ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang interes na ipinakita ng ibang bansa ay dapat maging hudyat upang agad na isabatas ang MIF.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang itinutulak na MIF ng kanyang administrasyon sa Philippines Country Strategy Dialogue noong Martes. Ang MIF ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas.

Nagpahayag umano ng malaking interes sa MIF ang mga kalahok sa WEF.

“The swift passage of House Bill No. 6608, creating the Maharlika Investment Fund, enabled the President and the Philippine delegation to take advantage of the enormous opportunity to showcase the positive developments in our country and creative strategies to gain growth momentum,” ani Speaker Romualdez.

Kinilala naman ni Romualdez ang mga ginawa ng Kamara upang maipasa ang MIF bill o House Bill 6608 bago nag-adjourn ang sesyon noong Disyembre

Sinabi ni Romualdez na nagpasok ng mga probisyon upang mas gumanda ang panukala at matiyak na magagamit ng tama at mabantayan ang pondo.

“We could not have accomplished this challenging task without the cooperation and sacrifice of our members who exerted tremendous effort and diligence so we can conduct exhaustive debates and introduce necessary refinements to the Maharlika Investment Fund bill before our Christmas break,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ang agarang pagpasa ng MIF bill ay sinertipikahan ng Malacañang.