Martin

Speaker Romualdez kinilala papel ng Muslim Filipinos sa bansa ngayong Eid’l Fitr

160 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mahalagang papel at kontribusyon ng Filipino Muslim community sa bansa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang kulminasyon ng banal na buwan ng Ramadan.

“As we join in the celebrations of Eid’l Fitr, let us also recognize the diversity that enriches our nation. The Philippines is home to a vibrant Muslim community whose contributions have greatly enriched our great nation,” ani Speaker Romualdez.

“Let us embrace the spirit of inclusivity and understanding, fostering unity and respect for all faiths and beliefs,” saad ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Ayon kay Speaker Romualdez siya ay nakikiisa sa mga Pilipinong Muslim sa pagtatapos ng Ramadan, ang panahon ng pag-aayuno, pagdarasal at pagmumuni-muni.

“As we gather with loved ones to share in the festivities, let us not only rejoice in the abundance of food and blessings but also in the deeper spiritual meaning behind this sacred time,” saad pa ni Romualdez.

Ayon sa kinatawan ng Leyte, ang Ramadan ay nagtuturo ng pagtitiyaga, pakikiramay, at pansariling disiplina para sa personal na paglago at espiritwal na kaliwanagan.

“Through fasting and acts of charity, Muslims demonstrate their commitment to compassion and generosity, reaching out to those in need and fostering solidarity within their communities,” wika pa ni Speaker Romualdez.

“May this Eid bring not only joy but also renewed hope and optimism for our shared future. Let us carry forward the values of compassion, generosity and unity that define this occasion, extending kindness and goodwill to all,” dagdag pa nito.

“Eid Mubarak to our Muslim brothers and sisters!”