Calendar
Speaker Romualdez: Mga panukala kaugnay ng digitalization prayoridad ng Kamara
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyang prayoridad ng Kamara de Representantes ang pag-apruba sa mga panukala kaugnay ng digitalization.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak matapos na sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) na ang digital transformation ng bansa ay bahagi ng pagpapa-unlad ng ekonomiya nito.
Sa WEF na ginaganap sa Davos, Switzerland ikinuwento ni Marcos ang mga tagumpay na naabot ng Pilipinas upang mahimok ang mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.
Sa kanyang opening remark sa Country Strategy Dialogue noong Martes, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga ang digitalization sa pangmatagalang pag-unlad ng bansa matapos ang pandemya.
“The House of Representatives remains committed to pass the priority legislations of President Marcos, including measures for digitalization in both government and private transactions that would bolster efficiency, productivity, and security,” ani Speaker Romualdez.
Si Romualdez ay bahagi ng opisyal na delegasyon ni Pangulong Marcos sa WEF.
“Establishment of the framework for digital transformation will undoubtedly help to enhance the prospect of the Philippines as an investment hub that President Marcos has successfully built up in Davos,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
“Upon the resumption of the session, among the top priorities of the House is the passage of the E-Government and E-Governance Act, which would help accelerate our digital transformation to fuel growth momentum,” dagdag pa ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa isang one-on-one dialogue kasama si WEF President Borge Brende, sinabi ni Pangulong Marcos na ang digitalization ay makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Inimbita rin ni WEF founder at executive chairman Professor Klaus Schwab ang Pilipinas na lumahok sa itatayong center ng WEF para sa paggamit at pagbahagi ng mga makabagong teknolohiya upang tulungan ang pag-unlad ng kalahok na bansa.