Calendar

Speaker Romualdez sa mga miyembro ng 19th Congress: Ipagmalaki pagiging bahagi ng masipag na Kamara
HINAMON ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kaniyang kapuwa mambabatas na ipagmalaki na sila ay naging bahagi ng Kamara de Representantes ngayong 19th Congress, na nakapagpasa ng mga kinakailangang batas nang may pagkakaisa at konkretong resulta sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“Let me say this with pride: This House of the People delivered,” ani Speaker Romualdez sa isang talumpati sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso nitong Lunes.
“Of the 28 LEDAC priority bills, we acted on 27. For the broader Common Legislative Agenda, we approved 61 out of 64,” dagdag pa niya.
Muling iginiit ni Speaker Romualdez ang suporta para sa mga makasaysayang batas ukol sa digital at teknolohikal na pag-unlad.
“Let us pass the Open Access in Data Transmission Act—to make fast, reliable internet accessible to every barangay,” ani Speaker Romualdez.
Hinimok din niya ang Kamara na agad na aksyunan ang E-Governance Act na layong pagsamahin at i-digitize ang mga serbisyo ng pamahalaan.
“Let us finalize the E-Governance Act—so that public services become faster, smarter, and less prone to red tape,” ani Speaker Romualdez.
Nanawagan din siya para sa pagpasa ng unang komprehensibong batas ng bansa ukol sa artificial intelligence, sabay diin na hindi dapat maisantabi ang pagkatao sa harap ng makabagong teknolohiya.
“Let us pass the first-ever Philippine legislation on Artificial Intelligence—to embrace innovation, while protecting ethics, privacy, and human dignity,” aniya.
Ibinigay rin ni Speaker Romualdez ang buong suporta ng Kamara sa programang P20 rice ni Pangulong Marcos, at sinabing moral na obligasyon ng pamahalaan na gawin ang lahat para maihatid ang abot-kayang bigas sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino.
“Let us support the P20 rice program of President Ferdinand R. Marcos, Jr.—not just as a national policy, but as a promise to every Filipino family struggling to make ends meet,” aniya.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na higit pa sa bilang ng mga batas na naipasa, ito ay may konkretong epekto sa buhay ng mamamayang Pilipino.
“But this isn’t about numbers—it’s about lives,” ani niya.
Ilan sa mga pangunahing batas na kaniyang binanggit ay laban sa smuggling at para sa suporta sa lokal na agrikultura.
“We cracked down on smugglers and hoarders who make basic goods unaffordable for ordinary families,” pahayag niya. “We gave stronger support to our rice farmers—with P30 billion a year for seeds, mechanization and productivity.”
Naipasa rin ng Kamara ang mga batas na layong palakasin ang kakayahan ng manggagawa at protektahan ang karapatan ng mga overseas Filipino worker (OFW).
“We passed laws to fix job-skills mismatches, invest in young workers and prepare our people for the demands of a modern economy… We passed the Magna Carta for Filipino Seafarers—to give dignity and protection to those who power our global maritime reputation,” pahayag pa ni Speaker Romualdez.
“These are real solutions to real problems—not just speeches, not just slogans. Tunay na malasakit, tunay na pagbabago,” dagdag niya.
Sinamantala rin ng lider ng Kamara ang pagkakataon upang batiin ang mga kasamahang na-reelect.
“To those who prevailed—congratulations. The people have placed their trust in you once again. Carry that trust with honor, humility, and courage. Use your renewed mandate to fight even harder for their needs, for their hopes, and for a future where no Filipino is left behind. And to the rest of my colleagues—saludo po ako sa inyo,” ani Speaker Romualdez.
“Your service in this Chamber will not be forgotten. Hindi man kayo nabigyan muling panibagong termino, tandaan ninyo: you were part of something bigger than any one election,” dagdag niya.
Kinilala niya ang kontribusyon ng lahat sa tagumpay ng kasalukuyang Kongreso.
“You helped pass laws. You shaped debate. You served your districts with passion and integrity. You gave your all—and the Filipino people saw it,” ani Speaker Romualdez. “Your legacy is now woven into the fabric of this Congress. At kahit wala na kayo rito sa susunod na panahon, mananatili kayong bahagi ng tagumpay ng 19th Congress.”
Iniuugnay ni Speaker Romualdez ang mga tagumpay ng ika-19 na Kongreso hindi sa pagiging dominante sa pulitika kundi sa kultura ng pagtutulungan at iisang layunin.
“We bridged divides. We reached across parties. We listened to one another, debated one another, but in the end—we voted for the Filipino,” aniya.
“We showed that in the face of challenge, this House stood strong. We chose country over color, service over self. This is the power of democracy. This is the spirit of Bagong Pilipinas,” pahayag niya.
Ang House of Representatives ay nagtala ng kahanga-hangang bilang ng gawaing lehislatibo sa panahon ng ika-19 na Kongreso, na may 13,868 panukalang batas at resolusyon na inihain mula Hulyo 25, 2022 hanggang Mayo 28, 2025.
Sa bilang na ito, 11,506 ay panukalang batas at 2,361 ay iba’t ibang uri ng resolusyon.
Naglabas din ang Kamara ng 1,451 committee reports at naaprubahan ang 1,493 panukala sa pinal na pagbasa, kabilang ang 280 Republic Acts—93 pambansa at 187 lokal na batas.