Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Acidre

Speaker Romualdez, Tingog suportado pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa ESSU

Mar Rodriguez Jul 4, 2024
112 Views

SUPORTADO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Partylist sa pangunguna nina Rep. Yedda Marie Romualdez, at Rep. Jude Acidre ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Inulit ni Acidre ang dedikasyon nilang ito sa pagpapasinaya ng bagong Criminology Building ng Eastern Samar State University (ESSU) sa Maydolong.

“The completion of this new building emphasizes our commitment to providing Filipinos with the best possible resources and facilities,” ayon kay Rep Acidre.

“It is in line with Tingog’s commitment to providing access to quality education as we believe it is important to invest in our youth’s education to further improve society, especially those part of the justice system,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon, sinabi ni Acidre na ang suporta nila sa ESSU ay nagpapakita rin ng kanilang pagnanais na maging mas ligtas ang bansa.

“Our support for ESSU’s Criminology program reflects our dedication to fostering a safer and more just Philippines,” dagdag pa ni Acidre.

Ang bagong gusali, na may mga makabagong silid-aralan at pasilidad, ay magsisilbing learning hub para sa criminology education at research, na magbibigay sa mga estudyante ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral upang sila ay maihanda sa hinaharap.

Pinangunahan nina Rev. Fr. Dan G. Gañas, Rev. Aaron B. Amida, at Rev. Bryan M. Azura ang pagbabasbas sa bagong gusali. Sinundan ito ng ribbon-cutting na sumisimbolo ng kahandaan na pagtanggap ng mga mag-aaral sa darating na pasukan.

“We hope this new building could help strengthen the criminology program of ESSU to contribute to the development of competent professionals in the field of justice,” ayon pa kay Rep. Acidre.