Martin PAMASKONG MENSAHE – Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan ng paglalaan ng oras upang pahalagahan ang mga biyaya ng buhay at tumulong sa mga nangangailangan, sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony ng Kamara de Representantes umaga ng Lunes. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: Yakapin ang diwa ng Pasko nang may pasasalamat

62 Views

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang mga kasamahan at kawani ng House of Representatives na yakapin ang diwa ng Pasko nang may pasasalamat, pagmumuni-muni at espiritu ng pagbibigayan, kasabay ng pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa institusyon at sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony ng Kamara, binigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng paglalaan ng oras upang pahalagahan ang mga biyaya ng buhay at tumulong sa mga nangangailangan.

“As Christmas draws near, we’re reminded that this season is not just about celebrations, but about reflection, gratitude, and the spirit of giving,” aniya.

“It’s a time to pause and appreciate what truly matters—our families, our friends, and the opportunities we’ve had to serve others,” dagdag niya.

Hinimok din ng House leader ang kanyang mga kasamahan at lahat ng nagtatrabaho sa lehislatura na ipakita ang kanilang pagkakawanggawa sa mga mas nangangailangan, lalo na ang mga naapektuhan ng mga kamakailang kalamidad at trahedya.

“Christmas is a time of joy, but for many of our fellow Filipinos—especially those affected by calamities or tragedies—this season can be a struggle. We are in a unique position to make a difference,” saad nito.

Hinimok niya ang lahat na makilahok sa makabuluhang mga gawaing pagkakawanggawa, mula sa maliliit na kilos ng kabutihan hanggang sa mga organisadong pagsisikap na tumulong sa nangangailangan.

“Let us remember that the true spirit of Christmas is found in giving and sharing. Whether it’s a small act of kindness, lending a helping hand, or contributing to efforts that bring relief and hope to those in need, we can all do something meaningful. By working together, we can help make this season brighter for others, even in the smallest ways,” wika ng Speaker.

“I know that many of you already go out of your way to support your communities, and for that, I commend you. This year, let’s amplify that generosity. Let us be a source of light and hope not just for our own families but for others who may be facing difficult times,” pagpapatuloy niya.

Pinuri rin niya ang dedikasyon ng mga kawani ng Kamara na nagbibigay ng kanilang buong lakas sa likod ng mga tagumpay ng institusyon.

“To all of you who work tirelessly every day, I want to express my deepest thanks. Your dedication, whether seen or unseen, keeps the wheels of this institution turning. You’ve managed tight deadlines, overcome challenges, and poured your heart into your work. All of that makes a difference—not just within these halls, but across our country,” ani Romualdez.

Pinapaalalahanan din ni Speaker Romualdez ang mga kawani na maglaan ng oras para sa sariling pangangalaga at para makasama ang kanilang mga pamilya ngayong Kapaskuhan.

Bilang pagtatapos ng taon, tiniyak niya na ang lahat ng kanilang kontribusyon ay kinikilala at pinahahalagahan.

Tinapos ni Romualdez ang kanyang talumpati sa panawagan para sa kagalakan, pagkakawanggawa at pagkakaisa habang patuloy ang Kamara sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

“So, as we celebrate this Christmas season, let’s do so with joy in our hearts, generosity in our actions, and a renewed sense of purpose,” pahayag ng Speaker.

“Let’s take pride in what we’ve achieved together and continue striving to make a difference—not just in this institution but in the lives of every Filipino,” dagdag niya.