Sen Pacquiao

Suporta ng angkan ng mga Dimaporo sa Lanao del Norte nakuha ni Pacquiao

Mar Rodriguez Apr 8, 2025
49 Views

Sen Pacquiao Sen Pacquiao Sen PacquiaoNAGPAHAYAG ng suporta para kay Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial bet Manny “Pacman” Pacquiao ang mga pangunahing lider mula sa lalawigan ng Lanao del Norte sa pangunguna ng angkan ng mga Dimaporo para sa kaniyang kandidatura.

Sa ginanap na proclamation rally nina Lanao del Norte Governor Imelda “Angging” Dimaporo noong Martes (April 9), kasama ang tagapangulo ng Partido Federal ng Pilipinas na si Governor Reynaldo Tamayo, Vice Governor Alan Lim at Congressman Khalid Dimaporo, sama-sama nilang inendorso si Pacquiao para sa kaniyang mithiing makabalik sa Senado.

Binigyang diin ng mga pangunahing lider ng Lanao del Norte ang dedikasyon ni Pacquiao na mapaunlad ang kalagayan ng bansa pati na ang mga mahihirap na mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng pabahay at pagpapalakas ng mga programa para sa sports at mga kabataan sa Mindanao.

Sabi naman ni Pacquiao na bilang tubong General Santos City, patuloy umano niyang isinusulong ang mga pangunahing pangangailangan para sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura sa buong bansa.

Sa kaniyang mensahe sa ginanap na proclamation rally sa Baloi, Lanao del Norte, ipinahayag ng dating senador na ang mga nagaganap na kaguluhan sa bansa ang nagsisilbing hadlang at nagpapabagal sa pag-unlad ng mamamayan.

Pagdidiin pa ni Pacquiao na hindi dapat maiwan ang Mindanao partikular na ang Lanao del Norte kung kaya’t dapat ituloy ang mga isinusong na infrastructure development hanggang sa mga liblib na lugar sa bansa.

“Hindi po dapat maiwan ang Mindanao lalo na ang Lanao del Norte dahil ito ang paraan para solusyunan ang mga kaguluhan. Ang dapat nating gawin ay ituloy ang mga infrastructure development hanggang sa mga liblib na lugar para umunlad ang Mindanao,” ani Pacquiao sa proclamation rally.

Nangako naman si Pacquiao na isusulong nito sa Senado ang libreng pabahay para sa mga mahihirap at para sa mga biktima ng kalamidad at trahedya matapos masalanta ang kanilang bahay.

To God be the Glory