Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Fajardo PRO-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo

6 na sangkot sa gunrunning tiklo

Bernard Galang Apr 8, 2025
572 Views

ANIM na pinaghihinalaang gunrunner ang naaresto at nakumpiska sa kanila ang mga baril at bala sa kubo sa Sitio Kalayakan, Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan kamakailan.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang mga suspek na sina alyas Gario, 38; Salor, 31; Gapo, 24; Macha, 28; Vinta, 39; at Guarda, 26.

Ang raiding team nagpatupad ng search warrant para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act) na humantong sa pagkumpiska ng ilang baril at bala.

Nakuha sa anim ang dalawang 12-gauge shotgun, dalawang magazine para sa shotgun, limang bala ng 12-gauge shotgun, isang loaded na .45 pistol, isang magazine assembly para sa .45 mm na baril, pitong bala ng .45 mm pistol, pitong bala para sa .5.56 na baril, isang holster at isang sling bag.