sara Lakas-CMD Vice Presidential Candidate and Davao City Mayor Sara Duterte Kuha ni VER NOVENO

Suporta ng Davao City sa PWDs ipatutupad sa buong bansa ni Mayor Inday

312 Views

NAIS ni vice presidential candidate at Mayor Sara Duterte na maipatupad sa buong bansa ang programang sinimulan nito sa Davao City upang matulungan ang mga taong may kapansanan.

Sinabi ni Duterte na hindi dapat balewalain ang mga persons with disabilities (PWD) na dapat bigyan din ng oportunidad gaya ng ibang sektor ng lipunan.

Binigyan ng Davao City government ng oportunidad ang mga PWD na patakbuhin ang kanilang sariling tanggapan na mas nakakaalam ng mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan.

“Sa Davao City, gusto nila (PWDs) meron silang autonomy sa pagpapatakbo ng opisina. Kaya ‘yun po ang tinatrabaho namin na hindi na po sila naka-attach sa aming City Social Welfare and Development Office (CSWDO),” sabi ni Duterte.

Sa ganitong paraan ay nakagagawa umano ng mas angkop na polisiya ang lokal na pamahalaan.

Binigyan-diin ni Duterte ang kahalagahan ng epektibong pagpapatupad ng Magna Carta for Disabled Persons (RA 7277) upang mabigyan ng oportunidad ang mga PWD na maging mahalagang bahagi ng lipunan.