Calendar
Suporta ng Solid North sa BBM-Sara UniTeam lalong tumibay
MAS lalong tumibay ang suporta ng Solid North kina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.
Ito ay matapos na isapubliko ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang kanyang pagsuporta kina Marcos at Duterte.
Bago pa nagsimula ang kampanya, sinabi ni Mamba na sinusuportahan na nito si Duterte bilang pagtanaw ng utang ng loob kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pinabayaan ang Cagayan.
Sinabi ni Mamba na noong 2016 presidential elections ang kanyang sinuportahan ay si Mar Roxas. Matapos ang eleksyon ay bumuhos umano ang proyekto ng national government sa kanyang lalawigan.
“Ang daming ginawa ni President Digong dito sa Cagayan and Mayor Sara has been always helping us during our calamity days. We were hit by two super typhoons and a mega flood, Davao City has always been with us. Mayor Digong visited us five times, lahat ng aming kalamidad and support sa anti-insurgency and anti-drugs [ginawa niya]. These are some of our biggest problems and the dredging of the Cagayan river started in his (President Duterte) administration,” kuwento ni Mamba.
Ang kinakailangang dredging ng Cagayan River ay naisakatuparan din umano sa panahon ni Pangulong Duterte.
Bago pumunta sa Cagayan ay dumaan si Mayor Duterte sa Isabela kung saan mainit itong sinalubong.
Ibinigay din ni Isabela Gov. Rodito Albano at iba pang lokal na opisyal ang kanilang suporta sa Marcos-Sara tandem.