Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ilocandia solid vote sa BBM-Sara UniTeam

170 Views

WALA umanong duda na mananalo sa Ilocandia ang tambalan nina presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Ilocos Norte Gov. Matthew Joseph Marcos Manotoc kasabay ang kanyang pasasalamat sa pagdalaw ng dalawa sa kanilang probinsya.

“We thank them, we welcome them and or course we pledge our support to the BBM-Sara slate entirely and ito pong Ilocos Norte na probinsya po natin ay hindi naman ganun karami ang boto, pero solid naman ang boto namin. And I’m sure solid din ang boto ng Ilocandia para sa BBM-Sara ticket,” sabi ni Manotoc.

Si Manotoc ay pamangkin ni Marcos, ang standard-bearer of the Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Sinabi ni Manotoc na kahit sigurado na ang panalo ni Marcos at Duterte ay bumisita pa rin ito sa kanilang probinsya at lubos niya itong ipinagpapasalamat.

“Unang-una nagpapasalamat po kami kay Uncle Bong, our former senator Bongbong Marcos and to Mayora Inday Sara Duterte for coming and not taking Ilocos Norte or Ilocandia for granted,” dagdag pa ng gubernador.

“Kasi alam naman po natin na medyo expected na buhos ang mga boto para sa kanila. Subalit pumunta pa rin sila to show their support for our kakailian, our–mga fellow Ilocanos,” sabi pa ni Manotoc.