Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Speaker Romualdez

Suporta ng US, Japan sa interes ng PH sa WPS isang tagumpay–Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Apr 14, 2024
107 Views

ISANG tagumpay ang pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos at Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suporatdo ng mga ito ang interes at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaugnay ng inilabas na Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Marcos matapos ang makasaysayang trilateral meeting sa Washington DC, noong Huwebes.

Kinondena rin ang tatlong lider ang ginagawang panggigipit ng coast guard ng China at mga barkong pangisda nito na nanghaharas sa mga Pilipino sa WPS.

Binigyan diin ng tatlong lider na pinal at legally binding ang Arbitral Tribunal ruling sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) na nagsasabing sa Pilipinas ang WPS na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas at dapat itong kilalanin ng China.

“President Marcos, Jr.’s steadfast leadership and diplomatic initiatives significantly advanced our country’s national interests, especially in upholding our sovereignty and safeguarding our territorial integrity, particularly in the West Philippine Sea,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara na may mahigit 300 miyembro.

“The commitment of the United States and Japan to support the Philippines in defending its sovereignty and promoting regional peace is a testament to the strength of bilateral and multilateral partnerships in addressing complex security challenges,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa talumpati ni US President Biden sa trilateral meeting, binigyan diin nito na anumang pag-atake sa eroplano, sasakyang pandagat o sa Armed Forces of the Philippines sa South China Sea ay agad na ipatutupad ang Mutual Defense Treaty (MDT).

Umaasa din ang pinuno ng Kamara na ang makasaysayang pagpupulong ay makatutulong upang humupa ang tensyon sa WPS para na rin sa kabutihan ng lahat ng stakeholders.

Tiniyak din ni Romualdez, ang suporta ng Kamara kay Pangulong Marcos sa kanyang pagsisikap na pangalagaan at proteksyunan ang interes ng bansa sa WPS gayundin ang pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific Region.

“The House of Representatives stands firmly behind President Marcos, Jr. and his diplomatic initiatives to uphold rules-based international order as the foundation of regional peace and prosperity,” ayon kay Romualdez.

Sa Joint Vision statement, ipinahayag ng tatlong pinuno ang lumalala at paulit-ulit na panggigipit ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, sa malayang paglalakbay sa karagatan, gayundin ang paghadlang sa pagdadala ng suplay ng pangangailangan sa Second Tomas Shoal na isang mapanganib na hakbang at nagpapalala sa sitwasyon.

Binabanggit din sa pahayag ang mariing pagtutol sa anumang balak ng China na pwersahang baguhin ang status quo sa East China, sa pamamagitan ng mga hakbang na guluhin ang matagal nang pamamahala ng Japan sa Senkaku Islands.

Nananawagan din ang tatlong pinuno ng bansa sa pananatili ng kapayapaan at katatagan hanggang sa Taiwan Strait, na isang katunayan ng pandaigdigang seguridad at kasaganaan.

Una na ring nagpahayag ng pangamba si Pangulong Marcos Jr. sa posibleng negatibong epekto sa bansa ng anumang komprontasyon na maaring magpatindi ng tensyon kaugnay sa Taiwan.

“It is equally heartening that this Joint Vision Statement includes concrete action plans to advance the trilateral defense cooperation and not only among the three nations but also with other like-minded States interested in the preservation of peace and prosperity in the Indo-Pacific region,” ayon kay Speaker Romualdez.

Kumpiyansa naman ang pinuno ng Kamara sa paninindigan ng U.S at Japan sa joint statement na patuloy na susuporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Coast Guard, kasama na rito ang pagbibigay ng Japan ng labindalawang mga barko ng Coast Guard at karagdagang limang barko sa Pilipinas.

Inaasahan din ng Estados Unidos ang magkakasabay na pagpapatrolya ng Philippine at Japan Coast Guard members kasama ang US coast guard sa Indo-Pacific ngayong taon, at ang planong joint at sea-trilateral exercise at iba pang aktibidad na layong mapabuti ang pagtutulungan para sa maritime security at safety.

“We emphasize our commitment to advancing multilateral maritime domain awareness cooperation through such venues as the Indo-Pacific Partnership for Maritime Domain Awareness (IPMDA),” ayon pa sa joint statement.

Sinasaad din sa joint statement ang pagkakaroon ng mga pagsasanay na isasagawa ng tatlong bansa at iba pang mga kaalyadong bansa tulad ng Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Japan, Pilipinas, Estados Unidos, at Australia, gayundin ang pagbibigay ng suporta ng Estados Unidos at Japan sa modernisasyon sa depensa ng Pilipinas.

Sa parehong pahayag, kinikilala rin ng US at Japan ang lumalakas na defense cooperation sa pagitan ng Australia at Pilipinas, gayundin sa pagitan ng Pilipinas at ng Republic of Korea.