Suporta sa magsasaka kulang, BFAR imbestigahan—Rep Khonghun

118 Views

PINAIIMBESTIGAHAN ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun sa Kamara de Representantes ang umano’y pagkabigo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magbigay ng angkop na bangka at iba pang kinakailangang suporta sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Ang panawagang imbestigasyon ay tugon ni Khonghun sa napakarami umanong reklamo ng mga mangingisda sa hindi akmang tulong na ibibigay ng BFAR sa aktwal na pangangailangan ng mga ito.

Binigyan diin ni Khonghun, miyembro ng “Young Guns” ng Kamara ang kahalagahan ng pagrespaso habang inaayos ang badyet ng BFAR para sa susunod na taon.

“It is crucial that we address the inadequacies in the support provided to our fishermen,” ayon kay Khonghun. “The fishermen in the WPS deserve the best resources to sustain their livelihoods and uphold our national interests in these contested waters.”

Ngayong taon, inanunsyo ng BFAR ang paglalaan ng P660 milyon para sa pagbili ng 66 na unit ng 62-footer na bangkang pangisda para mabigyan ang mga mangingisdang Pilipino ng mas malalaking bangka, mapalakas ang kanilang kakayahan sa pangingisda at mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Sinabi ng ahensya na hindi bababa sa 10 malalaking bangka ang naipamahagi sa mga kooperatiba ng mangingisda na nag-o-operate sa WPS.

Nakukulangan si Khonghun sa inisyatiba ng BFAR at nais nitong malaman kung ang pondong inilaan ng gobyerno ay sapat para sa mga pangangailangan ng mga mangingisda.

“Reevaluating and potentially reallocating BFAR’s budget will guarantee that every peso is directed towards genuinely improving the conditions for our fishermen,” ayon kay Khonghun.

“This is about more than just boats; it’s about securing the future of our fishing industry and reinforcing our sovereignty,” dagdag pa ng mambabatas.

Iginiit ni Khonghun na kinakailangan na masusing pagsusuri sa badyet ng BFAR para sa susunod na taon, at sa pagtugon sa mga isyu sa loob ng tanggapan.

“We need to examine BFAR’s budget closely to ensure it matches the fishermen’s needs. There seems to be an anomaly within BFAR, as they appear to be misleading our fishermen,” ayon pa sa mambabatas.

“Congress has consistently provided funding to BFAR, and the President has repeatedly reminded them to address the real needs of our fishermen. It’s essential that BFAR genuinely engages with the fishing community to understand and meet their requirements,” saad pa nito.

Ayon sa datos ng BFAR, mayroong 385,300 na mangingisda sa WPS, na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa. Dito nanggagaling ang 275,520 metriko toneladang isda o katumbas ng 6 hanggang 7 porsyento sa buong sektor ng pangisdaan.