Phivolcs

Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.2 lindol

155 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang yumanig sa Surigao del Norte hapon ng Martes, Hulyo 12.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-3:08 ng hapon.

Ang epicenter ng lindol ay 47 kilometro sa silangan ng Burgos, Surigao del Norte at may lalim na 19 kilometro.

Naramdaman ang Intensity I sa Surigao City, ayon sa PHIVOLCS.