Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Mananaya sa Iloilo nanalo ng P401.1M jackpot sa Grand Lotto
Peoples Taliba Editor
Jul 11, 2022
565
Views
ISANG mananaya sa Iloilo city ang nanalo ng P401.1 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 02-18-49-07-19-47.
Nanalo naman ng tig-P100,000 ang 71 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.
Tig-P1,500 naman ang tinamaan ng 5,011 mananaya na naka-apat na numero at tig-P60 ang 110,867 mananaya na nakatatlong numero.
Ang premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

