BAI kinumpirma unang kaso ng HPAI H5NP sa CamSur
May 7, 2025
Calendar

Provincial
Suspek na tulak himas rehas sa Rizal
Jojo Cesar Magsombol
Sep 21, 2024
201
Views
HIMAS-REHAS ang isang pinaghihinalaang tulak matapos maaresto ng mga otoridad na may dalang tatlong gramo ng shabu na may value na mahigit P20,000 sa Sitio Gasak, Bagong Nayon 2, Brgy. San Isidro, Antipolo City, Rizal, noong Huwebes.
Ayon sa report kay Rizal police director PCol. Felipe Maraggun, naaresto si alyas Bhryle sa buy-bust ng City Drug Enforcement Team ng Antipolo police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dakong alas-8:50 ng gabi.
Narekober sa suspek ang limang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 3 gramo at may standard price na P20,400, isang cellphone, isang 9mm pistol, isang 9mm magazine at limang bala ng 9mm.
BAI kinumpirma unang kaso ng HPAI H5NP sa CamSur
May 7, 2025
P1M tinangay ng 3 holdaper sa courier company
May 7, 2025