Suspeks Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Ronald De Leon ang mga naarestong “jumper boys” na nambibiktima sa mga motorista sa Mel Lopez Blvd, Tondo, Manila.

Suspek na tulak, jumper boys laglag sa Tondo

Jon-jon Reyes Aug 17, 2025
326 Views

SWAK sa selda tatlong tinaguriang “jumper boys” na nambibiktima ng mga biyahero ng mga gulay sa Mel Lopez Boulevard matapos maaresto ng mga otoridad ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District (MPD) sa Aroma compound, Brgy. 105, Tondo, Manila noong Sabado.

Naaresto naman habang naglalaro ng cara ‘y cruz si alyas Aying, 23, dahil sa paltik na baril at shabu.

Nahulihan din ng baril sina alyas Frank, 18; at Paul, 18, matapos makunan ng isang gramong shabu na may halagang P6,000.

Ayon sa ulat ni Police Captain Ryan Jay Balagtas at Police Lieutenant Colonel Ronald De Leon, bandang alas-3:55 ng hapon nahuli ang mga suspek.

Naniniwala si MPD director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad na bahagyang nalansag ng mga pulis ang mga “jumper boys” sa Tondo, Manila.