SWS

SWS: 49% nagsabing sila ay mahirap

264 Views

SA unang Social Weather Survey (SWS) survey sa ilalim ng administrasyong Marcos, nagsabi ang 49 porsyento ng mga Pilipino na sila ay mahirap. Ito ay katumbas ng 12.6 milyong pamilya.

Sa survey na isinagawa mula Setyembre 29 hanggang Oktobre 2, nagsabi naman ang 29 porsyento na sila ay nasa borderline o sa pagitan ng mayaman at mahirap habang 21 porsyento naman ang nagsabi na sila ay hindi mahirap.

Ang mga bagon g datos ay hindi nalalayo sa resulta ng survey noong Hunyo 2022 kung saan 48 porsyento (12.2 milyong pamilya) ang nagsabi na sila ay mahirap, 31 porsyento ang nasa borderline at 21 porsyento ang hindi mahirap.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondents na edad 18 taong gulang pataas sa pamamagitan ng face-to-face interview.