Acuzar

Taas kontribusyon ipinagpaliban ng Pag-IBIG Fund

133 Views

INAPRUBAHAN ng Board of Trustees ng Home Development Mutual Fund, na mas kilala bilang Pag-IBIG Fund ang pagpapaliban sa nakatakda nitong pagtataas ng kontribusyon ngayong taon.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at chairman ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees Jose Rizalino Acuzar unanimous ang naging pagboto sa rekomendasyon na ipagpaliban ang pagtataas.

Sa halip na ngayong taon, ipatutupad ang pagtataas sa Enero 2024.

Ang kasalukuyang minimum na kontribusyon sa Pag-IBIG ay P200 na pinaghahatian ang empleyado at employer.