Calendar
Tamang pamamahala ng basura pagtutulungan ng Naga, TESDA, Coca-Cola
MAGKAKAROON ng tamang pamamahala ng basura sa pakikipagsanib puwersa ng Naga City sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Coca-Cola Far East Limited (CCFEL) Philippines.
Sa Memorandum of Agreement na nilagdaan nina TESDA Secretary Kiko Benitez, Naga City Mayor Leni Robredo at Coca-Cola Philippines Senior Director Maria Christine Ponce-Garcia sa Naga City Sanitary Landfill Facility, palakasin ang kakayahan ng mga manggagawa sa wastong pamamahala ng basura sa pamamagitan ng Solid Waste Management Operations (SWMO) Level III Training Program.
Sinabi ni Secretary Benitez na ang programa ay bahagi ng layunin ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mahalaga ang pagsasanay sa mga manggagawa ng lokal na pamahalaan upang tugunan ang mga umuusbong na hamon sa kapaligiran.
Sa panig ni Mayor Robredo, ipinarating niya ang pangako ng lokal na pamahalaan para isulong ang mga inisyatibo sa solid waste management sa pamamagitan ng capacity-building programs at patuloy na pakikipagtulungan sa TESDA at mga partners.
Binigyang diin ng Coca-Cola Philippines ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagbuo ng malinis na pamamahala sa basura.

