Baril

Technician natagpuang utas matapos ang putok ng baril

Gil Aman May 17, 2025
15 Views

PATAY na ng matagpuan ang 49-anyos na lalaking technician matapos makarinig ng putok ng baril sa bahay niya noong Biyernes sa Brgy. Sto. Nino, San Pabo City, Laguna.

Nadiskubre ang katawan ng biktimang si Rodel Manalo Aleta ng puntahan ng kasamahang technician na si Ronald Tolentino, 33.

Ayon kay Tolentino, inutusan siya ng misis ng biktima na si Jennifer na usisain ang mister dahil sumasagot sa mga tawag sa cellphone.

Pero habang malapit na sa bahay ng biktima, biglang nakarinig ng putok ng baril si Tolentino dakong alas-11:10 ng umaga.

Doon na nadiskubre ang biktima na may tama ng bala at nakahandusay sa sahig.

Sa salaysay ng misis ng biktima, may malaking problema sa pera ang biktima.