NTC

Telcos muling inutusan ng NTC na magbabala laban sa text scam

266 Views

MULING inutusan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication companies na magpadala ng mensahe sa mga parokyano nito kaugnay ng mga text scam.

Ito na ang ikaapat na pagkakataon na inutusan ng NTC ang Smart Communications, Globe Telecom, at Dito Telecommunity na mag-text blast ng babala mula Hulyo 5 hanggang 11.

Ang mensahe na kanilang ipadadala ay: “HUWAG PONG MANIWALA SA TEXT NA NAG-AALOK NG TRABAHO NA MAY PANGAKO NA MALAKING SWELDO. ITO PO AY ISANG SCAM.”

Nauna rito ay inutusan ng NTC ang mga telcos na ipakalat ang text mula Mayo 27 hanggang Hunyo 9, Mayo 28 hanggang Hunyo 4, at Hunyo 11 hanggang 17.

Ayon sa NTC patuloy na mayroong naloloko ang mga text scam sa kabila nito.

Inatasan din ng NTC ang mga telcos na ipagpatuloy ang pag-block sa mga numerong ginagamit sa mga scam.