Tokyo Based Company Sina Grun Architekten Chairman Garry Carl Froa (ikalawa sa kaliwa) at Joel Esparago (kaliwa) nang ipasa ang feasibility study ng kanilang P35 billion palm oil project sa representative ng foreign funder sa Solaire Resort Casino hotel sa Pasay. Kuha ni Christian Supnad

Tokyo-based company balak magtanim mg palm oil plants sa Botolan

Christian Supnad Sep 15, 2024
181 Views

BOTOLAN, Zambales–Isang Tokyo-based international company ang balak magtanim ng palm oil plants sa lupa ng Indigenous Peoples (IPs) sa bayang ito na nagkakahalaga ng P35 bilyon na pakikinabangan ng 31,000 Aetas.

Ayon kay Architect Garry Carl Froa, chairman of the Grun Architekten International Gruppe, Inc., 10,000 ektarya ng lupa na pag aari ng mga IPs ang naka-programang taniman ng palm oil plants.

May kasunduan na ang kompanya sa mga lider ng IP sa lugar, ayon sa opisyal. “Grun Architekten, together with its foreign funder and business partner, are with the same spirit and goals with the national and local government of Zambales to help the IPs uplift their living conditions by providing a safe, healthy and productive environment and by creating livelihood projects and infrastructure development and the construction of various establishments such as housing, health care center, schools, market, roads, and bridges, and other necessary facilities that IP community is longing for to achieve,” paliwanag ni Froa.

Ayon kay Froa, magli-lease ng 10,000 ektarya na lupang pag aari ng mga IPs sa loob ng 25 taon na renewable ng panibagong 25 taon base sa napagkasunduan nila ng mga IP leaders.

Ipinaliwanag ni Froa na mas gusto nilang itayo ang kanilang plantasyon ng palm oil sa mga lupang pag aari ng IPs “to benefit the tribal members who are less fortunate, some of whom were displaced by the eruption of Mt. Pinatubo.”

Base sa data ni Ayon ni Froa galing sa defunct Office of Northern Cultural Communities (ONCC), may 31,120 tribal members mula sa 7,840 pamilya ang na-displace ng Pinatubo eruption noong 1990s.

May Certificate of Ancestral Domain ang lupang sakop ng mga IPs sa Brgys. Burgos, Belbel, Villar at Moraza, ayon kay Froa.