Calendar

Tourist van sumalpok sa poste, 1 dedo, marami sugatan
ISA ang kumpirmadong patay habang maraming iba pa ang malubhang nasugatan matapos na sumalpok sa poste ang sinasakyang tourist van nitong Martes ng tanghali sa Tacloban City, Leyte.
Sa inisyal na ulat ng Tacloban City Police Office, naganap ang aksidente dakong 12:50 ng tanghali sa San Jose national highway, barangay 88, malapit sa Daniel Z. Romualdez airport sa naturang lungsod.
Galing ang van na may 12 pasahero kabilang ang driver na si Alexander Recla Y Laguna sa Coca-Cola Rotonda at patungo sana sa airport nang maganap ang aksidente.
Mabilis ang takbo ng van nang salpukin nito ang poste ng ilaw sa gilid ng kalsada na naging sanhi ng pagtilapon ng mga pasahero palabas ng van.
Isa ang kumpirmadong patay, isa ang naputulan ng paa at tatlo ang nasa kritikal na kalagayan.
Lima sa mga nasugatan ay dinala sa Ace Hospital at lima rin ang isinugod sa RTR Hospital para malapatan ng lunas.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa aksidente.