BBM

Toyota planong ibalik Tamaraw FX

258 Views

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng Toyota Motors Corp. na muling ibalik ang modelo nitong Tamaraw sa Pilipinas.

Ipinahayag ng Toyota ang plano kay Pangulong Marcos sa kanilang pagpupulong sa Japan.

Ayon kay Pangulong Marcos ang Tamaraw ang isa sa pinakakilalang modelo ng sasakyan sa Pilipinas.

Sinuportahan naman ng Toyota ang hangarin ng administrasyong Marcos na maglatag ng mga polisiya upang maging madali ang pagnenegosyo sa Pilipinas.

Nakipagpulong din ang Pangulo at ang kanyang delegado sa Mitsubishi Motors Corporation.

Sinabi ng mga opisyal ng Mitsubishi na nais nitong palawigin sa Pilipinas ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program nito.

Nagpahayag din ng suporta ang Mitsubishi Motors Corporation sa layunin ng Marcos administration para sa isang green energy factory gamit ang kanilang solar rooftop project.