Calendar

Tricycles sa Valenzuela ibinigay na ng LTO
IPINAMAHAGI ng Land Transportation Office (LTO) noong Huwebes ang lahat ng natitirang plaka para sa mga rehistradong tricycle na ginagamit sa pampublikong transportasyon sa Valenzuela.
Pinatunayan ng distribusyong ito ang aksyon ng LTO sa ilalim ni Assistant Secretary Vigor Mendoza II matapos ang kasunduan noong February 12 sa pagitan ng LTO at ng Valenzuela upang tugunan ang backlog sa mga plaka ng tricycle at iba pang sasakyang pag-aari ng pamahalaang lokal.
“Ang mabilis nating aksyon tungkol sa backlog sa mga plaka sa mga tricycle pagpapatunay ng kung anong kayang gawin kapag ang inyong LGU at local officials, at ang inyong LTO nagtulungan upang tutukan ito,” ani Asec Mendoza.
Nagpasalamat si Asec Mendoza kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa tiwala at kumpiyansa sa LTO na naging daan upang mapabilis ang paglalabas ng mga plaka.
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ng kinakailangang suporta ang Valenzuela sa LTO para sa mabilis na pagpapalabas ng mga plaka, simula sa pagtukoy ng lahat ng sasakyang pag-aari ng pamahalaang lungsod at mga tricycle na wala pang plaka.
Pinangunahan nina Asec Mendoza at Mayor Gatchalian ang pamamahagi ng mga plaka sa iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa isang seremonya noong Huwebes ng umaga.
Ang Valenzuela City ang pangatlong lungsod sa Metro Manila na naalis na ang backlog sa mga plaka ng tricycle.
Nagpahayag din ng pasasalamat kay Asec Mendoza ang mga pinuno at miyembro ng TODA sa Quezon City at Marikina.