Magdalo

Trillanes kay PBBM: ICC, papasukin sa PH, imbestigahan si ex-PRRD

168 Views

HINIKAYAT nitong Lunes ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pahintulutang makapasok sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) upang imbestigahan ang mga patayang umano’y kinasasangkutan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa pahayag na ipinalabas ni Trillanes sa kanyang X (Twitter) account, nabatid na ang panawagan sa pangulo ay ginawa ng Magdalo group matapos na personal na aminin ng dating pangulo na ginamit niya ang kanyang confidential at intelligence fund (CIF) para ipapatay ang mga drug pusher noong siya ay alkalde pa lamang ng Davao.

“Being the original filers of the ICC case in 2017, we have witnessed and documented the barbaric actions of the past administration, as well as the trauma and hardships that the thousands of victims and their families have suferred. Truly, Justice is long overdue,” bahagi pa ng pahayag.

Ayon sa naging pahayag ni Duterte sa panayam sa telebisyon: “Ang intelligence fund, binili ko, pinapatay ko lahat, kaya ganoon ang Davao. ‘Yung mga kasama ni (inaudible), pina-tigok ko talaga.

‘Yun ang totoo.”

Idinagdag pa ni Trillanes na naisumite na niya ang naturang video clip sa ICC.

“This is truly an open-and-shut case,” dagdag pa ng dating senador.