NASA

Tropical Storm Leon nasa PH Area of Responsibility na

48 Views

NASA Philippine area of responsibility (PAR) na ang tropical storm Kong-Rey at pinangalanang “Leon” nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,355 kilometro (km) silangan ng Central Luzon, at may lakas ng hanging aabot sa 65 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km per hour (kph).

Kumikilos si Leon pakanluran sa bilis na 25 kph at tinatayang mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas. Sinabi ng Pagasa na ang malakas na hangin ay lumalawak ng hanggang 640 km mula sa gitna ng tropical cyclone.

Maaari rin nitong itulak ng hanging habagat na unang naiimpluwensyahan ng severe tropical storm Kristine upang magdala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Wala pang tropical cyclone wind signal ang nakataas sa bansa hanggang alas-11 ng gabi nitong Sabado.

Sinabi ng weather bureau, maaaring makaapekto ng matindi si Leon sa hilagang Luzon.

Ang tropical cyclone ay inaasahang lalakas at aabot sa severe tropical storm category sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Maaari rin itong umabot sa kategorya ng bagyo sa Lunes ng gabi o Martes ng madaling araw, sabi ng Pagasa.