Calendar
‘Tulak’ laglag sa buy-bust sa Antipolo
ISANG hinihinalang tulak ang nasakote ng mga otoridad sa pag-iingat ng baril at shabu sa Sitio Rosal Tamengo, Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Team ng Antipolo Component City Police Station na may koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Coordination Number 10005-122024-0081 dakong alas-10:05 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Payong, isang tulak at tinaguriang Street Level Individual.
Nakumpiska sa kanyang posesyon ang isang cal. 38 revolver, bala para sa nasabing baril at itim na sling bag, dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance ng pinaghihinalaang shabu, may timbang na humigit-kumulang 1 gramo, na may karaniwang halaga ng presyo ng gamot na P6,800; at cash money.