Sen. Raffy Tulfo

Tulfo binigyang pugay mga OFWs

181 Views

BINIGYAN pugay ni Sen. Raffy Tulfo ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbibigay karangalan at tulong sa pamamagitan ng kanilang sakripisyo sa ibat ibang bahagi ng mundo.

Para kay Tulfo, ang ating mga OFW ay ang mga migranteng Pinoy na nagsusumikap at naninirahan sa ibang bansa kapalit ng pag aakyat ng biyaya para sa bansang Pilipinas.

Binigyang pugay at pinuri ni Sen. Tulfo na Chairperson ng Senate Committee on Migrants Workers ang mga sakripisyo ng mahigit sampung milyong Pilipino na nasa iba’t-ibang parte ng mundo.

Ayon sa kanya, marami sa Pilipino ang piniling magtrabaho at manirahan sa ibang bansa para sa mas magandang oportunidad at upang maiahon na rin ang kanilang pamilya sa kahirapan.

“Filipino worker is sought after by foreign companies. And due to financial constraints, millions of Filipinos choose to migrate.

“While we prefer families to stay together and for our amazing Filipino talents to stay here, our local industries could not match the compensation of their foreign counterparts. It would be unfair to stop our people from seeking greener pastures for their families,” saad niya.

Sinabi rin ni Tulfo na ang Filipino diaspora, kabilang na ang mga OFW, ay nakapagbibigay ng malaking ambag sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa kanilang kasipagan at talento. At malaki rin ang kontribusyon nila sa paglago ng ekonomiya ng sarili nating bansa dahil naman sa kanilang remittances.

Kaya sinabi ni Tulfo na patuloy siyang makikipag-usap sa DFA, DMW, OWWA at iba pang ahensya ng gobyerno upang i-explore ang mga posibilidad na magamit ang kanilang mga natutunan sa bansang kanilang pinagtrabahuhan at madala ito at mapakinabangn naman ng ating gobyerno sa pamamagitan ng work integration.

Dagdag pa ni Tulfo, sana ay magkaroon ng pagkakataon ang mga OFW na makapagpundar ng kanilang mga sariling negosyo na kung saan sila ay well-trained na, gaya ng sa food, service and hospitality industry na labis na makakatulong sa pagpapalago ng ating turismo.