Cong. Erwin Tulfo

Tulfo iimbestigahan pag-aresto sa rider ng J&T Express delivery

Mar Rodriguez Dec 14, 2023
194 Views

INIHAYAG ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party List Cong. Erwin T. Tulfo na magsagawa sila ng “motu proprio inestigation” laban sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kanilang pag-aresto sa isang delivery rider noong December 1, 2023.

“Gusto natin wakasan ang masamang kultura at kalakaran na kapag ikaw ay isang otoridad, law enforcer o opisyal man ng pamahalaan. Hindi ka puwedeng kalabanin ng isang ordinaryo o pangkaraniwang mamamayan kahit ikaw pa ang may kasalanan. Panahon na para matigil ang ganitong sistema,” ayon kay Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na iniimbitahan nila sa isasagawang pagdinig ang mga operatiba ng NBI –Intellectual Property Rights Division (IPRD) na sangkot sa illegal na pag-aresto sa delivery rider ng J&T Express Delivery na si Michael Bryan Gonzaga para magpaliwanag sa kanilang nagging maling pagkilos.