Tulfo

Tulfo maghahain ng resolution para makialam ang UN General Assembly tungkol sa hidwaan sa WPS

Mar Rodriguez Jun 10, 2024
114 Views

𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗔𝗖𝗧-𝗖𝗜𝗦 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗧. 𝗧𝘂𝗹𝗳𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗺𝘂𝗸𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗼𝗯𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗙𝗼𝗿𝗲𝗶𝗴𝗻 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 (𝗗𝗙𝗔) 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴-𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗨𝗡) 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗶𝗴𝗶𝗹 𝗻𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗴𝗮𝘄𝗮𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗯𝘂-𝗯𝘂𝗹𝗹𝘆 𝘀𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗮 (𝗪𝗣𝗦).

Sinabi ni Tulfo na isusulong nito ang House Resolution No. 1766 alinsunod sa itinatakda ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration upang magkaroon ng agarang solusyon sa matagal ng problema sa WPS na nararanasan ng mga Pilipinong mangingisda.

‘The landmark decision of the Permanent Court of Arbitration in Case No. 2013-19 known as Republic of the Philippines vs People’s Republic of China. Conclusively invalidate the Chinese government’s expansive claims under the so-called “nine dash-line” declaring such to be incompatible with the provisions of the UNCLOS, thus upholding the Philippines’ sovereign rights over EEZ and continental shelf in the WPS,” sabi ni Tulfo.

Sinabi pa ni Tulfo na sa kabila ng naging hatol. Nanantiling matigas ang China na kilalanin o i-acknowlodge at sundin ang naturang kautusan o arbitration award. Kung saan, ipinagpapatuloy parin nito ang mga aksiyong labag sa batas o “unlawful actions” sa WPS.

Binigyang diin ng kongresista na kabilang sa mga labag sa batas na ginagawa ng China ay ang patuloy na harassment at pangbu-bully nila sa mga barko ng Pilipinas at ang pagpapatayo ng China ng military installations, airstrips at iba pang estratehikong istraktura sa isang artificial island na nasa loob mismo ng teritoryo ng Pilipinas.

“This year alone, aggressive maneuvers and water cannon attacks by Chinese vessels against the Philippine Coast Guard (PCG) and Filipino fisherfolk underscores China’s blatant disregard for international law and the legal maritime rights of the Philippines. Thereby, diminishing our territorial integrity and compromising regional stability and security,” wika pa ni Tulfo.

Ayon pa kay Tulfo, ang nasabing House Resolution ay base na rin sa kamakailang pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos,Jr. patungkol sa kagustuhan ng bansa na maresolusyunan ang problema sa WPS sa pamamagitan ng dialogue at diplomasya