Vic Reyes

Tuloy-tuloy na magandang serbisyo ng BOC inaasahan

Vic Reyes Jan 25, 2026
198 Views

MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

***

Sa taong ito ay inaasahang tuloy-tuloy pa rin ang magandang performance at serbisyo ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Noong nakaraang taon ay umabot ng P934.4 bilyon ang nakolektang buwis, taripa at iba pang bayarin sa BOC.

Ito ay lampas ng P17.7 bilyon kumpara sa 2024 revenue collection.

Ayon sa record ng BOC,na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), noong 2024 ay umabot lang ng P916.6 bilyon ang tax take ng ahensya.

Nilinaw ni Commissioner Nepomuceno na ang trabaho ng mga taga-BOC “is about more than just revenue – it is about making a tangible difference in the lives of the Filipino people.”

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., dapat na siguruhin ang “efficient and sustained collection of government revenues.”

At dapat bawat piso ay makatutulong sa mga programang naglalayong ma-uplift ang mga komunidad“and strengthen our nation.”

Sa pamamagitan ng innovation, strict enforcement at transparency, magpapatuloy ang all-out support ng BOC sa gobyerno ni Pangulong Marcos.

Ang vision ni Pangulong Marcos, maging malakas at mas self-reliant ang bansang Pilipinas.

Ang BOC naman under the leadership ni Commissioner Nepomuceno ay committed “to serving the people with integrity and dedication everyday.”

Tama lang ‘yan, Sir Ariel, dahil ang publiko ay umaasang “world-class customs service” sa dating snake-infested waterfront.”

***

Hopefully, maide-deliver ang lahat ng abandonadong balikbayan boxes sa mga “rightful owners” sa loob ng animnapung araw o dalawang buwan.

Ang mga libu-libong balikabayan boxes na nakapaloob sa mahigit na 100 container vans na nakaimbak sa Manila International Containert Port (MICP).

Ilan sa container vans ay tatlong taon ng nasa MICP. Ang container vans ay naglalaman ng food products at personal effects.

Noong nakaraang Biyernes, Enero 23, ay nagsagawa ng joint inspection ang BOC at National Bureau of Investigation (NBI) sa mga abandonadong balikbayan boxes sa MICP.

Ang BOC ay naki-nakipag-coordinate sa Department of Migrant Workers (DMW), na pinamumunuan ni Secretary Hans Leo Cacdac, para sa release ng mga balikbayan boxes.

Para sa dagdag na impormasyon, i-access lang ito: https://customs.gov.ph/home/overseas.filipino-worker-ofw.

Matatandaan na inaprobahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang paglabas ng pondo para sa door-to-door delivery ng mga balikbayan boxes sa rightful owners.

Sana nga mai-deliver kaagad ang mga abandonadong boxes.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa: +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)