falcons Ang krusyal na tres na ito ni Jerom Lastimosa ang nagpanalo sa Adamson kontra University of the Philippines. UAAP pboto

UAAP: Falcons ginulat ang Maroons

Theodore Jurado Apr 21, 2022
259 Views

NAPIGILAN ng Adamson ang pagmartsa ng University of the Philippines sa Final Four sa pamamagitan ng 66-58 tagumpay kagabi sa UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Nagpakawala si Jerom Lastimosa ng dagger triple sa huling 23.3 segundo upang isalba ang Falcons makaraang makaiskor si Ricci Rivero ng dalawang free throws upang tapyasin ang deficit ng Fighting Maroons sa 57-59.

Sa patuloy na pagbangon mula sa 1-6 simula, nanatiling walang talo ang Adamson, na lumamang ng 17 points (30-13) sa second period, sa tatlong laro sa second round.

Tumapos si Lastimosa na may 13 points, limang rebounds, apat ba assists at dalawang blocks habang bumuslo si Didat Hanapi ng 12 points para sa Falcons, na bigla na lamang na nasa kontensyon na makapasok sa semifinals.

Ang pagkatalo ay siyang nagwakas sa eight-game winning streak ng UP, ang pinakamahaba ng eskuwelahan sa Final Four era.

“We were able to beat a powerhouse team, nakakatuwa lang. I think our players deserved that, mabigat ‘yung pinagdaanan,” sabi ni coach Nash Racela. “This is a good timing for wins.”

Nagtala si Rivero ng 14 points, limang rebounds at dalawang steals habang nagdagdag si Carl Tamayo ng 12 points, walong boards, dalawang steals at dalawang steals para sa Maroons.

Samantala, gumawa si Nigerian slotman Emman Ojoula ng malaking defensive stop na siyang nagbigay daan upang maibuslo ng Xyrus Torres ang game-winning triple sa huling final 2.2 seconds upang masingitan ng Far Eastern University ang National University, 61-59, at maipuwersa ang three-way tie kasama ng kanilang biktima at Adamson sa pang-apat sa 4-6.

Dinurog naman ng defending three-time champion Ateneo ang University of Santo Tomas, 101-51, upang mapalawig ang kanilang winning streak sa 36.

Napahaba ang kanilang win-loss record ngayong season sa 10-0, hindi masawata ang untouchable Blue Eagles aa pamamagitan ng kanilang disiplina na ipinakita ng mga bataan ni coach Tab Baldwin sa isa sa pinakatambak na laro sa kasaysayan ng liga.

“I think the difference in the scoreline is a reflection that our coaching staff asked for 40 minutes of performance from our players, and that’s something that’s plagued us this year,” sabi Baldwin.

Nanguna si Raffy Verano para sa Ateneo na may 18 points at pitong rebounds sa 18 minutong paglalaro, habang nagbigay si SJ Belangel ng 16 points.

Nalasap ng Growling Tigers ang ikapitong talo sa 10 laro, may isang laro ang layo sa Bulldogs, Falcons at Tamaraws sa karera para sa huling Final Four berth.

Pinutol ng FEU ang three-game skid at ang pinaghirapang panalo ay siyang kinailangan ni coach Olsen Racela upang makabalik sa semis contention.

“We really needed this win kasi NU yung hinahabol namin. We did not give up, especially in the second half. It’s all about trust for us,” sabi ni Racela.

Umiskor si Torres ng 12 sa kanyang 16 points mula sa labas ng arko, habang nagposte si Ojoula ng double-double effort na 11 points at 11 rebounds bukod pa sa limang assists, dalawang steals at dalawang blocks para sa Tamaraws. (Theodore P. Jurado)

Iskor:

Unang laro

Ateneo (101) — Verano 18, Belangel 16, Chiu 14, Lazaro 12, Ildefonso 11, Kouame 10, Koon 9, Andrade 6, Padrigao 5, Mamuyac 0, Tio 0, Gomez 0, Daves 0.

UST (51) — Cabañero 18, Manaytay 9, Fontanilla 8, Manalang 7, Concepcion 5, Yongco 2, Santos 2, Ando 0, Herrera 0, Gomez de Liaño 0, Garing 0, Mantua 0, Pangilinan 0.

Quarterscores: 22-8, 46-21, 80-36, 101-51

Ikalawang laro

FEU (59) — Torres 16, Ojuola 11, Sandagon 10, Gonzales 7, Tempra 4, Sleat 3, Abarrientos 3, Bienes 2, Alforque 2, Li 1, Celzo 0, Sajonia 0.

NU (57) — Clemente 13, Ildefonso 9, Joson 8, Minerva 6, Malonzo 5, Felicilda 5, Torres 3, Figueroa 2, Gaye 2, Mahinay 2, Manansala 2, Yu 0, Enriquez 0.

Quarterscores: 14-15, 22-33, 40-49, 59-57

Ikatlong laro

AdU (66) — Lastimosa 13, Hanapi 12, Sabandal 11, Manzano 8, Zaldivar 8, Magbuhos 6, Peromingan 5, Colonia 2, Yerro 1, Douanga 0, Jaymalin 0, Erolon 0, Barasi 0.

UP (58) — Rivero 14, Tamayo 12, Diouf 7, Lucero 7, Cagulangan 6, Cansino 5, Spencer 4, Webb 3, Alarcon 0, Abadiano 0, Fortea 0.

Quarterscores: 20-12, 36-28, 47-44, 66-58